Document Type

Article

Publication Date

2017

Abstract

Naiiba ang nobelang Ginto ang Kayumangging Lupa ni Dominador Mirasol sa malinaw nitong pagtatampok sa mga paghihirap ng mga magsasaka/ manggagawa sa kanayunan. Mababakas sa kanila ang pagkatiwalag at kawalang lugar sa lipunan. Inagaw ang kanilang lupa, maging ang kanilang trabaho, at muling nasadlak sa hirap sa pangkabuhayan at panlipunang aspekto.Tatalakayin ng papel na ito ang mga nabanggit mula sa Marxistang pananaw nang may tuon sa ugnayan ng mga tauhan sa kanilang kapaligiran na higit sa ano pa mang salik ay nagtatakda ng kanilang tiwalag na kalagayan at mga karanasan. Ang alyenasyon para kay Marx ay isang makapangyarihang puwersa na nagtutulak sa tao tungo sa mga negatibong udyok ng pagkaawa sa sarili, kahinaan, at karahasan, gayunman maaari ring magbunsod ng mga positibong resulta ng pagsusuri sa sarili at pagtitiwala sa sariling kaalaman.Tulad ng naging resolusyon ni Mirasol sa kanyang nobela na nagtutuon sa naisantabing lakas ng mga biktima nito, sa gayon nagmumungkahi ng landas tungo sa paglaya.

Share

COinS