Document Type

Article

Publication Date

2020

Abstract

Dinadalumat sa kasalukuyan ang alamat bilang bagay na nagpapasaysay ng panahon nang may kritikal na pagsasalalay sa ekolohiya. Sa pagtalunton sa ilang pag-iisip na kanluranin hinggil sa mito, isinasalin ito bilang "alamat," na pinasasaysayan bilang masidhing sandali ng pagsasalaysay, na parating nakikitaon sa kabagayan. Itinutulak ang ekolohikong ugnayan ng alamat at sangkabagayan sa pagpapahalaga sa mga ito bilang ang nagsasalaysay at nagpapasaysay para sa isa''t isa. Sa ganang ito, nilalansag ng alamat ang mga karaniwang pag-uuri ng panahon bilang "banal" at "dahay," para sa halip magtaya sa isang pagdalumat ng panahon, sa metonimikong "kasalukuyan" na parating maalamat, at samakatwid, parating nakabaling sa lalim at materya.

Share

COinS