Document Type
Article
Publication Date
2009
Abstract
Nakatuon ang maikling pag-aaral na ito sa kasaysayan, poetika, at praktika ng saling-awit (song translation) sa Filipinas. Itinatanghal dito kung paanong ang gawaing ito ay bahagi ng maunlad at malaganap na tradisyong pabigkas ng Filipinas mulang sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Saligan ng pagtalakay ang tanggap na katotohanan, lalo na sa pabigkas na tradisyon, na ang tula ay awit o awit ang tula. Sa proseso ng saling-awit, mababakas ang malikhain at subersibong pag-iisip ng mga Filipino, na hindi lamang kumokopya kundi nag-aangkop, higit sa lahat, ng banyagang kanta at kultura sa katutubong wika na pinagsasalinan. Sa gayon, ang nalilikhang salin, na dumaan sa proseso ng naturalisasyon, ay nagiging isang bago at orihinal na akda.
Recommended Citation
Coroza, M. (2009). Ang Sining ng Saling-awit: Kasaysayan, Proseso, at Pagpapahalaga. San Diego: Language Acquisition Resource Center, San Diego State University.