Document Type
Article
Publication Date
2006
Abstract
Sa maikling pagtalakay na ito, pinagtutuunang-pansin ang para sa may-akda ay tatlong pangunahing pangangailangan para sa pagsulat ng tula sa wikang Filipino, na dapat taglayin ng mga mag-aaral sa hayskul man o kolehiyo bago sila patulain. Una, kamalayan sa tradisyon; ikalawa, pagiging bukas sa impluwensiya; at ikatlo, pagpapasok ng inobasyon. Nasa pagtupad sa mga pangangailangang ito, at nasa dinamikong inter-aksiyon ng mga ito, ang ikapagtatagumpay ng isang matulaing proyekto.
Recommended Citation
Coroza, Michael M., (2006). Ang Dapat Mabatid ng Sinumang Tutula (O Magtuturo ng Pagsulat ng Tula). Archīum.ATENEO.
https://archium.ateneo.edu/filipino-faculty-pubs/37