Document Type

Conference Proceeding

Publication Date

9-2025

Abstract

“Asolarse la tierra anegrandose” o “magunaw ang lupa dahil sa pagbaha.” Ganito binibigyang-kahulugan ng Vocabulario de la lengua tagala ang salitang “gunaw.” Nagiging indikatibo ito, sa isang banda, ng kaugnayan ng penomenon sa iba pang mga sakunang likha ng kalikasan at maging ng tao. Pagsasalikop ng mga pangyayari sa lupa ang tinuturan ng salita kaya’t posibleng mapaglimian ang konsepto ng winawaring katapusan sa pamamagitan ng pilolohikal na pagsipat sa iba’t ibang diksiyonaryo at pagkakawing nito sa ipinasisilay na ekolohiya ng mga salita gaya ng unos, bagyo, sigwa, delubyo, deliryo, atbp. Bukod sa pag-uugnay ng mga salita, tinatangka ng pag-aaral na dalumatin ang puwersang ontolohikal ng “gunaw” sa mga mito. Sinusuri nito ang mga nagagawang rekompigurasyon ng mga mito ng gunaw pagdating sa indibidwal at lugar nang lampas sa gampaning moral-simbolikal. Sa halip na tingnan ang pagbaha bilang romantiko, alegorikal at teolohikal, isinusulong ng sanaysay ang pagtrato rito bilang mapagpanibagong agent na nagbubuwag at nagbubuo ng mga danas at relasyong panlunan. Sa pamamagitan ng naturang mga naratibo, binibigyang-halaga ang katubigan, kalupaan, kalikasan, at mga guho hindi lamang bilang mga metaporikong tagpuan bagkus ay bilang mga tagapagganap ding sangkot sa pagmumundo ng mito. Itinuturing sa pag-aaral ang paglulugar (placeness) bilang umuusbong at dinamiko—iniluluwal ng engkuwentro sa pagitan ng tao at di-taong mga entidad, at hinuhubog ng mga puwersang humuhulagpos sa persepsiyon, ugnayan, at gampanin. Panghuli, nilalayon ng sanaysay ang pagiging mabungang tagpo ng “gunaw” na nagpapasilay sa mga espasyo at bagay bilang nagtataglay ng lalim at bitalidad. Sa panukalang hinuhulagpusan ng tagpong ito ang tungkuling pangnaratibo, nagbubukas ang mga argumento ng rebalwasyon hinggil sa pagpopook at pagmumundong ksangkot ang “gunaw:” isang serye ng mga pagtatagpo. Mga Susing Salita: gunaw, mito, metonimiya, pagkabagay

Share

COinS