Document Type
Article
Publication Date
2018
Abstract
Sa pagtalakay na ito, iisa-isahing sulyapan ang mga batayang pagkakaiba sa pamamaraang pabigkas at pasulát sa panitikan ng Filipinas. Nilalayon nitong maitampok at bigyang-diin ang mga kalikasáng pabigkas ng sining na pasalita sa pagpapahalaga sa tradisyon ng Balagtasan at sa usong-uso ngayong Rap Battle na pinakapangunahing itinatampok sa ligang Fliptop. May dalawang pangkalahatang bahagi ang pagtalakay. Nakatuon ang una sa komparatibong paglalarawan ng magkasalungat na modo o pamamaraang pabigkas at pasulát gamit bilang halimbawa ang mga transkripsiyon ng ilang tulang-bayan gaya ng dalit at tanaga, ang mga klasikong akda gaya ng awit at korido, at ang mga piling tulang liriko ng ilan sa mga kanonigo at kontemporaneong makatang Filipino. Nakatuon ang ikalawa sa panimulang kritikal na balwasyon ng Balagtasan at Rap Battle bilang mga anyo ng
berbal na sining. Ipinagpapalagay na sa masusi at obhetibong paghahambing, higit na maipakikita ang pagkakatulad at pagkakaiba tungo sa higit na pagtatampok o paggigiit ng magkaugnay na halaga at bisà, hindi magkahidwa, ng dalawa.
Recommended Citation
Coroza, M. "Isang Muling-Sipat sa Tradisyong Pabigkas sa Filipinas o Kung Sadya nga Kayang Makabagong Anyo ng Balagtasan ang Battle Rap" sa Tabsing: PUP Professorial Chair Lectures Vol II 2017-2018 (Manila: PUP Press, 2018), p. 189 - 238.