Walang Hanggang Patayan: Ang Produksiyon at Distribusyon ng Diskurso ng Drug War ng Pamahalaang Duterte sa Disenyo ng Video Game na Fighting Crime 2
Document Type
Book
Publication Date
2021
Abstract
Gamit ng mobile video game na Fighting Crime 2 bilang pangunahing teksto; tatangkain ng sanaysay na suriin ang disenyo ng laro at isiwalat ang diskursong pinagmumulan; pinalalawig; at binabago ng laro. Gamit ang lapit na diskursong multimodal nina Gunther Kress at Theo van Leeuwen; ipakikita kung paanong ang mga desisyong pandisenyo ng laro’y nakaugat sa diskurso ng drug war na isinasagawa ng pamahalaang Duterte. Tatalakayin kung paanong ang laro ay ginagamit; inaangkop; at binabago ang mga elemento ng diskurso ng drug war. Makikita ang elemento ng diskurso ng drug war sa sumusunod—ang paglaganap ng vigilantismo; pagdami ng kaso ng EJK; ang ugnayan ng pulisya sa vigilantismo; ang pagpapabalik sa death penalty; pagbubura sa kahirapan bilang ugat ng pagpili ng mga tao sa buhay ng krimen at droga; at ang pagpapahina sa realisasyong ang mga pahayag ng Pangulo ay may epekto sa polisiya. Tatalakayin din ang produksiyon at distribusyon ng laro bilang isang libreng app sa mobile platforms tulad ng Google Play at Apple App Store at kung paano ikinakalat ang diskurso ng drug war sa mga Filipino. Nais ipakita ng sanaysay na; bagaman iniiba ng laro ang diskurso ng drug war pinaghahanguan nito; mayroon pa rin itong sinasabing katuwang sa nais ng pamahalaang Duterte. Gayundin; mayroon din itong isinisiwalat sa diskurso ng drug war na hindi agad inamin ng pamahalaan—ang pagiging walang katapusan ng patayan upang maabot ang hinahanap na kaayusan at kapayapaan.
Recommended Citation
Cerda, C. M. (2021). Walang hanggang patayan: Ang produksiyon at distribusyon ng diskurso ng Drug War ng pamahalaang Duterte sa disenyo ng video game na Fighting Crime 2. In R. B. Tolentino, V. B. Gonzales, & L. M. S. Castillo (Eds.), Hindi Nangyari Dahil Wala sa Social Media: Interogasyon ng Kulturang New Media sa Pilipinas. Ateneo de Manila University Press.