Document Type
Book
Publication Date
2021
Abstract
May pagpapahalaga ang mga katutubo sa paglikha ng maulit na tunog; na lumalampas sa ginagampanang silbi sa pag-aalaala sa pag-awit ng epiko. Lumalampas sa pagiging kasangkapan sa pagsasaulo ang silbi ng katangian ng pag-uulit. Nais ipanukala ng kasalukuyang pag-aaral ang pag-uulit; hindi lamang bilang katangian ng epiko; kung hindi bilang naglalarawan sa isang sistema ng pag-iisip ng mga katutubo. Nais patunayan na hindi lamang nagsisilbing tayutay ang pag-uulit sa pabigkas na panitikan gayong pangunahing batayan din ang pag-uulit kung papaano inuunawa ng katutubo ang kapaligiran niya. Sisikapin ditong ipaliwanag kung paano nakalilikha ng kahulugan ang ganitong pag-uulit; upang gamitin; sa huli; sa isang teoryang pampanitikan nang sumasalalay sa mga taal na pamantayan.
Recommended Citation
Yapan, A. B. (2021). Ang pag-uulit sa katutubong panitikan. In Reading the Regions 2: Philippine Folk and Oral Traditions (pp. 40–47). National Commission for Culture and the Arts.