Document Type

Article

Publication Date

2016

Abstract

Sa papel na ito, inilalatag kung paano dapat pahalagahan at isapraktika ang pagsasalin bilang isang lehitimong lárang o disiplina. Sa simula, ipinakikita na walang hindi pagsasalin sa lahat ng aktibidad ng táong nagsisikap umunawa at magpaunawa sa lahat ng kaniyang ginagawa. Hahantong ang pagtalakay sa pagbibigay-diin na lampas sa pagiging lingguwistiko ang pagsasalin at mataas na kasanayang intelektuwal at karunungang pangkultura ang hinihingi nito sa sinumang naghahangad na maging tagasalin na walang pagsalang magtataksil sapagkat hindi kailanman makaiiwas sa mga pagtatakda ng paglikha o muling pagakda. Dahil muling pag-akda, isang kabalintunaan na orihinal ang salin kayâ nakahuhulagpos ang tagasalin sa paratang na taksil.

Share

COinS