KalapatingLeon: Isang Nobela [Translation of DoveLion: A Novel by Eileen Tabios]

Document Type

Article

Publication Date

1-2024

Abstract

Sa pamamagitan ng lirikal at simpleng mga kuwento at sa pagsira sa konsepto ng oras bilang isang linya, ipinakikita ng KALAPATINGLEON ang mga epekto ng kolonyalismo at pananakop habang naglalaman ng mga pagmumuni-muni sa pagtula at poetika, sining at estetika, kasaysayan, pagiging ulila, at mga katutubong paniniwala't pagiging mamamayan ng mga tribo. May pahapyaw ding tingin sa digmaan ng mga espiya, rebelyon sa mundo ng internet, sikolohiyang dominante at pailalim, at ang masamang epekto ng mga paligsahan at kagandahan. Ang pahingalay sa nobela'y galing sa pagmamahal ni Elena sa Wikipedia at sa pinakasimple pero pinakamasarap na resipi ng adobo sa buong mundo. Sa bandang huli, ang KALAPAYINGLEON ay tungkol sa hindi-maiiwasang kalikasan ng sangkatauhan: ang koneksiyong nagbubura ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap para sa iisang Kasalukuyan.

Share

COinS