Perspectives in the Arts and Humanities Asia
Abstract
Excerpt: Madalas madulas sa mga panimulang pahina ng koleksiyon: sa tula sinisimulan ang pagbása sapagkat maláy na ang mambabasá sa pamagat bilang pamilyar na tagatakda ng hangganan, pantukoy kung tungkol sa ano ang mga tulang salikop. Sa ganitong kompiyansa ng pagbása tumitinghas na hindi kuwadro—hindi bilang lagpas at sumasanga—kundi babala ng pagbibigay at pagbabalik-tuon ang pamagat na Drone: hinihingi ng mga akda ang pagbabasáng pakikinig na lumalagpas sa danas ng kapanatagan tungo sa katahimikan, at mula sa katahimikan tungo sa mas ganap nitong pagpapakahulugan bilang hindi kawalan-ng-tunog kundi kamalayanpananahan sa narito ngayon. Siyang pagbabalik-tuon sa presensiya ang pagdanas ng engkuwentro at bewilderment, ang pagbásang balisá at hubad sa mga nagbabadya: mga namamalaging hindi man lang namalayan, “[t]he noise [that] fills all that it hollows out” (58). Sapagkat may librong ganap na libro sa pananatiling hindi nakasulat, “the unwritten book you bury” (4) na nasa bingit ng pagbuklat: Alin at ilang sentido ang tumatalab na pinaiigting ang kaba at kapahamakan sa pahina, sa dinudungaw ng pahina; sa isa at isa, sa nasa saan.
Recommended Citation
Naputo, Frances Moreen Graza
(2014)
"Allan Popa. Drone. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2013. 84 pages.,"
Perspectives in the Arts and Humanities Asia: Vol. 4:
No.
2, Article 10.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/paha/vol4/iss2/10