Author ORCID Identifier
https://orcid.org/0009-0004-4809-2490
Abstract
Pinag-aralan sa papel na ito ang kaisipan ng tatlong Pilipinong lingguwista na sina Bonifacio P. Sibayan (1916-2005), Ernesto A. Constantino (1930-2016), at Andrew B. Gonzalez, FSC (1940-2006) hinggil sa wikang panturo sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Sa pangkalahatan, nilayon ng pag-aaral na tukuyin ang mga pagkakasundo at di-pagkakasundo ng mga pananaw ng tatlong lingguwista mula sa isang diyalohikong pagbasa sa lente ng pilosopikal na hermeneutika ni Hans-Georg Gadamer. Ipinalagay ni Gadamer na ang bawat isang inidibidwal ay may sariling “abot-tanaw” o saklaw ng paningin mula sa isang partikular na punto de bista, kabilang na ang kaniyang mga kaalaman, damdamin, at prehuwisyo. Ayon kay Gadamer, ang mga indibidwal na abot-tanaw ay may kakayahang magsanib sa isang diyalogo na ang layunin ay isang magkatulad na pag-unawa. Sang-ayon dito, tinangka ng pag-aaral na unawain ang mga kaisipan ng isang Pilipinong lingguwista at basahin ito mula sa pananaw ng dalawa pang Pilipinong lingguwista. Tinasa rin ang kanilang mga ideya sa konteksto ng mga kasalukuyang usaping pangwikang kinahaharap ng mga Pilipino, partikular na ang pagtatanggal ng Filipino bilang mandatoryong asignatura sa kolehiyo at ang implementasyon ng mother tongue-based multilingual education (MTB-MLE), na nagpatunay sa kahalagahan at kabuluhan ng muling pagbubungkal sa kanilang mga kaisipan. Sa huli, ipinakita ng papel na sa kabila ng radikal na pagkakaiba-iba at mga dipagkakasundo ng tatlong lingguwista sa kanilang mga ideya, mayroon pa ring mga pagkakatulad at pagkakasundong mainam na tingnan at pahalagahan.
Recommended Citation
De Leon, Jay Israel
(2025)
"Pilosopiko-Hermeneutikong Pagbasa sa mga Kaisipan nina Bonifacio P. Sibayan, Ernesto A. Constantino, at Andrew B. Gonzalez, FSC hinggil sa Wikang Panturo sa Sistemang Pang-edukasyon ng Pilipinas,"
Kritika Kultura:
No.
48, Article 3.
DOI: https://doi.org/10.13185/1656-152X.2199
Available at:
https://archium.ateneo.edu/kk/vol1/iss48/3
