Abstract
Ini-endorso ng papel ang isang exploratoryong paraan ng pagbabasa (at pagbabasang-muli bilang sistematikong pagtatanong) ng isang klasikong teksto ng Pantayong Pananaw (PP) upang, sa minimalistang pagtingin sa isang diskurso, mapalitaw ang ilang susing bokabolaryo at ang batayang balangkas nito. Ang napalitaw na balangkas ay tinataya na isang durableng aspeto ng PP sa istilo, lapit, at mga tema nito. Ang mga susing bokabularyo at mga balangkas ng PP ay maaaring tingnan bilang heuristiks sa pagbubuo ng mga katanungan sa isang nagpapatuloy na pananaliksik.
Recommended Citation
Paluga, Myfel Joseph
(2009)
"Pagpapasa at Pagbabasang-Muli sa PP,"
Kritika Kultura:
No.
13, Article 8.
DOI: https://doi.org/10.13185/1656-152x.1163
Available at:
https://archium.ateneo.edu/kk/vol1/iss13/8