Abstract
Magsisimula ang panayam sa pagpapaliwanag ng Pantayong Pananaw, sa mga ugat nito sa historiyograpiyang Pilipino at mga kilusang indihenisasyon sa ikalawang hati ng ika-20 siglo. Isusunod ang implikasyon nito sa kasaysayan pati na rin sa iba pang agham panlipunan. Sa huli, magtatangkang tanawin ang PP bilang kasangkapan sa pag-unawa hindi lamang ng sangkapilipinuhan kundi ng iba ring bansang kaugnay sa mga interes ng Pilipinas.
Recommended Citation
Hernandez, John Rhommel B.
(2009)
"Ang Pandaigdigang Pananaw ng Pantayong Pananaw,"
Kritika Kultura:
No.
13, Article 10.
DOI: https://doi.org/10.13185/1656-152x.1165
Available at:
https://archium.ateneo.edu/kk/vol1/iss13/10