
Katipunan
English Title
Popular Culture in the Time of Pandemic: A CriticalDiscourse Analysis of the Song “Ikako” by SB19
Abstract
Sa panahon ng pandemya, sumibol muli ang pagtangkilik sa musikang popular bilang genre at naging lunsaran ito sa pagsikat ng P-pop idol group na SB19. Ang kanilang kantang “Ikako” (na inilabas noong 2020) ay isang awiting kanilang inialay sa mga frontliner at kanilang mga tagahanga sa kalagitnaan ng mga lockdown upang magbigay ng saya, ginhawa, at pag-asa. Mahalaga ang naging papel ng musika at mga fandom sa naturang panahon bilang mga salik na nag-angat sa kalusugang pangkaisipan ng mga kumokonsumo nito, at gayong isang tiyak na halimbawa ang “Ikako” ng mga awiting tahasang naglayong maisakatuparan ito. Sa pamamagitan ng critical discourse analysis, sinusuri rito ang “Ikako” bilang isang tekstong produkto ng industriya ng musikang popular at kulturang idol na nagbubunsod sa diskurso ng resilience at pagkakaisa, at na naglilihis din sa pananaw at kamalayan ng mga tagapakinig nito mula sa mga kagyat na isyung kinahaharap ng bayan. Tinatalakay din dito ang mga hamon ng pag-iral ng mga artistang Filipino tulad ng SB19 sa isang industriyang nagmumula sa mga namamayaning banyagang kultura, alinsabay sa kanilang pagtanggap o pagbaling mula sa nangingibabaw na mga kasanayan at pagpapahalagang dulot ng mga ito.
English Abstract
During the time of the pandemic, a revitalization of popular music as a genre emerged and became an avenue for the rise of P-pop idol group SB19. Their single “Ikako” (released in 2020) was a song dedicated to frontliners and their fans during the period of the lockdown to offer some happiness, comfort, and hope. Music and fandom played a huge role, during such time, as factors that improved the mental well-being of the people consuming them, and “Ikako” was a direct example of a song that sought to actualize this. Through critical discourse analysis, this paper analyzes “Ikako” as a text produced by the popular music industry and idol culture that forwarded discourses of resilience and unity, and that diverted the perspective and consciousness of its audience from urgent issues facing society. This paper also discussed challenges accompanying the existence of Filipino artists like SB19 in an industry heavily originating from hegemonic foreign cultures, consequent to their acceptance o
Recommended Citation
Vanguardia, Marc Arnel D. and Vanguardia, Macflor Angelnina D.
(2024)
"Kulturang Popular sa Panahonng Pandemya: Isang Kritikal naDiscourse Analysis ng Musikang“Ikako” ng SB19,"
Katipunan: Vol. 12:
Iss.
1, Article 9.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol12/iss1/9