
Katipunan
English Title
A’TIN ‘to! The Social Media Language andExperiences of the SB19 Fandom
Abstract
Ang fandom ay itinuturing na natatanging penomenong sosyo-kultural. Ito ay nagbunga na ng subkultura na hindi alintana ang lokasyon o henerasyon, at nakabuo na ng mga komunidad online man o offline. Upang maunawaan ang kulturang ito, kailangang bigyang-pansin ang wika gayundin ang mga katangian ng wika na bumubuo rito. Ang pangkat P-pop na SB19 ay namamayagpag ngayon sa lokal at internasyonal na music scene dahil na rin sa kanilang masusugid na tagahanga o fandom—ang A’TIN—na tumulong paingayin ang pangalan ng grupo sa social media katulad ng X (dating Twitter) kung saan rin sila unang naging viral noong Setyembre 2019. Sa nasabing plataporma rin isinilang ang partikular na tekstong fan na ginagamit sa pakikipag-ugnayan ng A’TIN sa mga kapwa nila tagahanga at maging sa mga hinahangaang mang-aawit. Bilang pagsilip sa kultura ng nasabing fandom, isinagawa ang pananaliksik na ito upang alamin kung papaano nakaaapekto ang pagbuo at paggamit ng wika ng fandom sa social media sa kanilang karanasan bilang mga tagahanga. Kuwalitatibong pananaliksik na may deskriptibong dulog ang ginamit sa pag-aaral na ito. Batay sa karanasan ng mga tagahanga, ibinunyag ng mga kalahok na ang paggamit ng wika ng A’TIN ay nakapagbibigay sa kanila ng pakiramdam na sila ay kabilang sa iisang komunidad, tumutulong na makabuo ng ibayong relasyon sa kapwa A’TIN, at nakapagpapaniwala na ang wika ng fandom ay bahagi na ng branding ng SB19.
English Abstract
Fandom has been regarded as a distinct socio-cultural phenomenon. It has produced a subculture that has transcended geographic and generational boundaries, creating its own communities which are either online or offline. To understand fan culture, a look into its language along with the features of such language becomes necessary. P-pop group SB19 has been propelled to the top of both the local and international music scene all thanks to their fandom—the A’TIN—which has amplified the group’s social media presence specifically on X (formerly Twitter) where they first got viral in September 2019. The same platform gave birth to a specific fan text that is exclusive to the fandom and even to the artists. In exploring the culture of the said fandom, this research aimed to identify how the construction and usage of a fandom language in social media influenced fan experiences. The research employed qualitative methods with a descriptive approach. Interviewed fans revealed that the usage of the fandom language gave them a sense of belongingness in the fandom, has helped them interact and form a relationship with their fellow A’TIN, and has made them believe that fandom language is an integral part of SB19’s branding.
Recommended Citation
Batinga, Erilyn Michelle L.
(2024)
"A’TIN ‘to! Ang Wika at mgaKaranasan ng SB19 Fandom saSocial Media,"
Katipunan: Vol. 12:
Iss.
1, Article 6.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol12/iss1/6