
Katipunan
English Title
Historical Survey of Foreign Influencesin Contemporary P-pop
Abstract
Maaring makita ang kontemporanyong industriya ng P-pop na umusbong sa mga nagdaang taon bilang bahagyang produkto ng mga katumbas nitong genreng banyaga, partikular na ang J-pop at K-pop ng mga bansang Japan at South Korea. Maraming aspekto ng industriya ng P-pop, tulad na lamang ng konsepto nito ng “idol,” sistema nito sa pagbubuo ng mga idolo, at pamamaraan nito ng pagmarket sa mga idolo, ang pare-parehong nakuha sa nabanggit na mga banyagang industriya. Ito ay ginawa sa pagnanais na makabuo at makapamahala ang bansa ng sarili nitong “idol industry.” Sa katunayan din, ang pagsisimula ng P-pop ay maaring maiugat sa Kanluraning penomena ng mga boy band at girl group na umusbong noong simula ng ika-21 siglo; naging impluwensiya ang mga ito sa pamumuhunan ng mga Filipinong kompanya sa sarili rin nilang mga grupo. Dito umusbong ang SexBomb Girls at Viva Hot Babes, sa panahong binabansagan kong “pre-P-pop,” na isa namang panahong napahinto pagsapit ng dekada 2010 sapagkat hindi naipagpatuloy ng mga grupong Pop Girls at XLR8 ang tagumpay ng naunang mga pangkat. Ganap na nagbago ang industriya nang mamuhunan ang Japan, sa pamamgitan ng MNL48, at South Korea, sa pamamagitan ng SB19, sa idol industry sa bansa. Binabagtas ng pagaaral ang kasaysayan ng P-pop mula sa pagbabago ng mga lokal na music act mula simpleng banda o grupo patungong “idols,” alinsabay sa pag-ampon ng lokal na industriya ng mga natatanging katangian ng idol system. Ginawang case study ang MNL48 at SB19 sa kung paano isinalin ang mga Hapon at Koreanong impluwensiya at pamamaraang pang-industriya sa lokal na konteksto. Bukod sa dalawang nabanggit, tinitingnan din ng papel ang iba pang pangkat P-pop na sumikat sa mga nagdaang taon, at ang mga ambag nila sa nagpapatuloy na proseso ng pagbabago ng genre.
English Abstract
The P-pop industry that has formed in the past years can be seen as partly the product of the successes of foreign industry counterparts from Japan and South Korea, namely J-pop and K-pop respectively. Many aspects of the P-pop industry, such as the concept of an “idol,” the system in which idols are formed, and the way idols are marketed, are all taken from the aforesaid foreign industries. This is in the hopes that the country could also create its own self-managed “idol industry.” The origins of P-pop can be traced as well back to the early 21st century, with the boy band and girl group phenomenon of the West influencing the Philippines to invest in their own groups. This led to the formation of notable groups such as the SexBomb Girls and Viva Hot Babes, in an era I shall call “pre-P-pop,” which came to a halt in the 2010’s as groups such as Pop Girls and XLR8 were unable to reach the height of success of their predecessors. All this came to a head when Japan, through MNL48, and South Korea, through SB19, invested in the idol industry in the country. This paper surveys the history of P-pop development starting from changes in music acts from being bands or groups to “idols,” along with adopting the distinct characteristics of the idol system. MNL48 and SB19 act as case studies in how Japanese and Korean influences and industry practices are translated into the local context. Beyond these samples, this paper also explores other P-pop groups that have come into popularity in the past years and how they make use of their influences to contribute to the changing of the genre.
Recommended Citation
Velasco, Kirsten Louise G.
(2024)
"Historikong Pagbagtas ng mgaBanyagang Impluwensiyasa Kontemporanyong P-pop,"
Katipunan: Vol. 12:
Iss.
1, Article 5.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol12/iss1/5