•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

The Trainee Life of P-pop Idols

Abstract

Sa mga nakaraang taon, ang P-pop o Pinoy Pop ay umiingay hindi lamang sa bansa kung hindi pati na rin sa buong mundo salamat sa ambag ng SB19, ang unang Filipinong grupo na nakatanggap ng nominasyon sa “Top Social Artist” category ng 2021 Billboard Music Awards. Dahil na rin sa kanilang tagumpay ay sunod-sunod na rin ang iba’t ibang grupong P-pop na umuukit na rin ng kanilang mga pangalan sa lokal at global na entablado. Bago pa man matikman ang tagumpay, gayunman, ay dumaraan muna ang naturang mga grupo sa matitinding pag-eensayo, halintulad sa mga kuwento ng mga grupong K-pop na dumaan din sa ganitong proseso bago maipakilala sa mga potensiyal na tagatangkilik. Layon ng papel kung gayon na ipakita ang dinamika ng buhay trainee ng P-pop idols, mula sa pagsasanay nila sa pagsayaw, pagkanta, pag-arte, at maging sa personality development, hanggang sa pagproduce mismo ng mga album. Alinsabay ding itatampok kung papaanong naiiba ang mga grupong P-pop sa mga grupong K-pop sa aspekto ng pag-eensayo. Sa pamamagitan ng paglulunsad ng panayam sa tatlong grupong P-pop na VXON, YARA, at Press Hit Play, na may edad 20 pataas ang bawat miyembro, mailalahad ang mga naratibo ng kanilang mga pangarap na makatungtong sa entablado, ang suporta ng mga tagahanga na nakapagpapalakas ng kanilang mga loob, pati na rin ang iba’t ibang sakripisyo na kanilang dinaranas upang matupad lamang ang pangarap nila na maging mga idolong performer.

English Abstract

P-pop or Pinoy Pop has gained traction over the last few years not only in the country but also in the world thanks to the contribution of SB19, which was the first Filipino group to receive a nomination at the “Top Social Artist” category of the 2021 Billboard Music Awards. In light of SB19’s success, more P-pop groups have thus gained traction both on the local and international stage. Prior to becoming successful, however, such groups first undergo extensive training, much like in the narratives of K-pop groups who have also been through a similar process before being introduced to potential fans. This paper therefore aims to show the dynamics of the trainee life of P-pop idols, from priming themselves in dancing, singing, acting, and even personality development, to producing their very own album. Simultaneously shown as well are the dynamics that differentiate P-pop groups from K-pop groups in terms of training. By way of conducting an interview of three P-pop groups namely VXON, YARA, and Press Hit Play, who all have members aged 20 and above, what is presented are narratives on the dreams of idols to finally step on the stage, the support of fans which strengthen their resolve, and the different sacrifices they make only to fulfill their dream of becoming idol performers.

Share

COinS