•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

The Concept of Loob in the Music of SB19

Abstract

Sa mga umiiral na grupong idol sa Pilipinas sa kasalukuyan, ang tinaguriang “P-pop Kings” na SB19 ang isa sa mga nakapagsakatuparan sa pagdedekolonisa, pagsasa-Pilipino, at pagdedemokratisa sa musikang Pop (Navarro at Santos). Bilang pagpapalawig sa paggalugad sa mga aspekto ng pagsasa-Pilipino sa musikang Pop, layon ng papel na ito na ilapat ang isang partikular na Filipinong dalumat sa pagpapakahulugan sa mga awitin ng SB19—ang dalumat ng loob, na dumaan na sa mayamang teoretisasyon mula sa mga Filipinong pantas (e.g. Mercado, Covar, Alejo). Yamang tinatangkang katawanin ng mga awitin ng SB19 ang kalinangan at lipunang Filipino, nababagay lamang din ang gamiting kasangkapang hermeneutiko sa pagpapakahulugan sa mga awiting ito ay dalumat na may malalim na pagkakaugat at kalaganapan sa kalinangan at lipunang Filipino. Isasagawa ang hermeneutika ng loob sa awitin ng SB19 sa pamamagitan ng apat na lapit sa pagbabasa ng teksto— tekstuwal, kontekstuwal, subtekstuwal, at intertekstuwal (Navarro “Kasaysayan”; Evasco, et al.). Sa partikular, ilalapat ang ganitong mga lapit sa pagbabasa sa sumusunod na awitin ng SB19: “Tilaluha” (sakit ng loob), “Go Up” (tatag ng loob), “MAPA” (utang na loob), “Mana” (lakas ng loob at kababaang-loob), “Kapangyarihan” (sama ng loob), “GENTO” (tibay ng loob), at “Liham” (pagkakaisang-loob).

English Abstract

Among the currently existing idol groups in the Philippines, the so-called “P-pop Kings” SB19 is one of those that accomplished the decolonizing, Filipinizing, and democratizing of Pop music (Navarro and Santos). Elaborating on the exploration of aspects of Filipinizing Pop music, this paper aims to use a particular Filipino concept in deriving meanings from SB19 songs—the concept of loob (inner self ), which has undergone productive theoretizations from different Filipino intellectuals (e.g. Mercado, Covar, Alejo). As SB19 songs endeavor to represent Filipino culture and society, it is only apt to utilize as hermeneutical devise for ferreting out meanings a concept with deep rootedness and widespread presence in Filipino culture and society. The hermeneutics of loob as applied to Filipino culture and society will be done using the four approaches in reading a text—textual, contextual, subtextual, and intertextual (Navarro “Kasaysayan”; Evasco, et al.). In particular, these approaches will be utilized in reading these SB19 songs: “Tilaluha” (sakit ng loob), “Go Up” (tatag ng loob), “MAPA” (utang na loob), “Mana” (lakas ng loob at kababaang-loob), “Kapangyarihan” (sama ng loob), “GENTO” (tibay ng loob), and “Liham” (pagkakaisang-loob).

Share

COinS