•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

English Title

Critical Hits, Now Playing: A Critical DiscourseAnalysis of Select Songs in the “Kalye Hip-Hop”Playlist on Spotify

Abstract

Ang kalye hip-hop ay isang kontemporanyong terminong tumutukoy sa koleksiyon ng mga nangingibabaw ngunit magkakasalungat na naratibong nililikha ng mga Filipino hip-hop artists na inilulunan ang sarili sa isang malawak na “kalye.” Ang kalye hip-hop ay nagsisilbing sisidlan kung saan ang mga “kalye” artist ay gumagawa ng musika’t sining tungkol sa kanilang mga karanasan para sa isang madlang makikinig at malilibang dito. Nilalayon ng pananaliksik na itong itatag ang sitwasyon ng kalye bilang isang eksena at komunidad sa pamamagitan ng tatlong dimensiyon na balangkas ni Norman Fairclough sa critical discourse analysis gamit ang lirika ng dalawang piling kanta mula sa editoryal na playlist ng Spotify na nagngangalang “Kalye Hip-Hop.” Sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga tema na may kaugnayan sa kalye, isinisiwalat ng mga piling teksto na ang kohesyon ay gumagana sa pagpili ng salita at balarila upang ilarawan at isakongkreto ang karanasan ng mga artista. Sa antas ng diskursibong praktika, makikita ang konsepto ng pag-iiba sa mga lirika ng dalawang kanta, lalo na kung papaano ipinahahayag ng mga mang-aawit/manunulat ang kanilang pagkakakilanlan kompara at laban sa kabilang pangkat. Sa antas naman ng praktikang sosyokultural, nabibigyan ng pansin ang gahum na nakapaloob sa lirika ng mga kanta, at kung papaanong hinuhugis ng nasabing mga awitin ang imahen ng “kalye” sa lipunan. Ang kaligiran ng mga artista ay isinama rin sa pag-aaral upang mabigyan ng mas malalim na konteksto ang kanilang mga sitwasyon. Ang mga natuklasan dito ay nakapagpapaliwanag sa kasalukuyang mga gawi na sumasalamin sa kung ano ang maaaring isaalang-alang ng mga tao na “kalye,” at kung paanong ang mga resultang pananaw na ito ay nagdaragdag sa patuloy na diskurso sa mismong konsepto o imahen ng gayong lokasyon.

English Abstract

Kalye hip-hop is a contemporary term for a collection of prevailing yet contradictory narratives created by hip-hop artists who hail from the broad concept of the “kalye.” In particular, kalye hip-hop is an outlet in which “kalye” artists can safely speak and make art about their experiences, namely their struggles and triumphs, to an audience which will both listen and be entertained. This study, through its usage of Norman Fairclough’s three-dimensional framework for critical discourse analysis, aims to establish the situation of the kalye as a scene and a community through the lyrics of two songs from Spotify’s editorial playlist, “Kalye Hip-Hop.” Through discussions of themes related to the kalye, the select texts reveal that cohesion worked via word choice and grammar to describe and concretize the artists’ own experiences. On the level of discursive practice, the artists used the concept of othering to assert themselves and display their own identity vis-à-vis and against another group. As for the level of sociocultural practice, the hegemony inscribed in the lyrics is uncovered to provide a clearer view on how such songs shape the image of kalye in society. The findings in this paper shed light on current practices that reflect what people may end up considering to be “kalye,” and how these resulting perceptions add to the ongoing discourse on the very concept or image of such location.

Share

COinS