Katipunan
English Title
Jesuitick
Abstract
Mula sa “Poetika”: Sa totoo lang, hindi ko na maalala ang mga obrang ito. Parang isinulat ng ibang tao. Past life, wika nga. Bagamat parang sa panaginip, may ilang bahagi akong bahagyang naaalala. Ngunit sa pangkalahatan, buradong pisara. Maihahalintulad din ito sa gabing lasing na lasing ka at wala kang maalala kinabukasan maliban sa ilang piraso ng sandali at best. Isa sa mga paborito kong dasal—na nilapatan ko rin ng musika—ay ang Dasal ng Katahimikan ni San Francisco ng Assisi. “Daanan ako ng pag-ibig mo.” Totoo na isa sa mga nuno ng akda (tula/kwento/kunganoman) kong “Ako” (dalawampu’t dalawang pahina) ay ang tula ni [Alejandro G.] Abadilla na “Ako Ang Daigdig.” Nilapatan ko ng musika ang tulang “Ako ang Daigdig” ni Abadilla para sa banda kong The Brockas. Binigkas ko ang “Ako ang Daigdig” sa pelikula kong “Ruined Heart” / “Pusong Wazak.” Ginamit ko ang tula ni Abadilla na “Dilim, Mutyang Dilim” bilang intertitulo sa maigsing pelikula kong “Book of Storms and Darkness” / “Aklat ng Bagyo at Dilim.” Bagamat may mga ganito kaming “kolaborasyon” ni Abadilla sa musika at pelikula, mas tinuturing/malay kong idolo/impluwensiya sa panulaang Filipino sina Jose F. Lacaba, Emmanuel Lacaba, Rolando S. Tinio.
English Abstract
From the “Poetics”: In truth, I could no longer remember these works. Like written by a different person. Past life, as they say. Although as in a dream, there are parts I barely remember. But as a whole, a cleared slate. Like those nights you were so drunk and you could not remember the next day except for a few shards of a second at best. One of my favorite prayers—that I composed music for—is the Prayer of Silence of Saint Francis of Assisi. “Let your love flow through me.” It is true that one of my fathers in writing (poem/story/whateveritis) “Ako” (twenty two pages) is [Alejandro G.] Abadilla’s poem “Ako ang Daigdig.” I composed music for Abadilla’s poem “Ako ang Daigdig” for my band The Brockas. I recited the poem “Ako ang Daigdig” for my film “Ruined Heart”/ “Pusong Wazak.” I used Abadilla’s poem “Dilim, Mutyang Dilim” as an intertitle for the short film “Book of Storms and Darkness” / “Aklat ng Bagyo at Dilim.” Although Abadilla and I have these collaborations in music and film, I consider/am aware that my idol/influence in Filipino poetry are Jose F. Lacaba, Emmanuel Lacaba, Rolando S. Tinio.
Recommended Citation
., Khavn
(2023)
"Heswitik,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
2, Article 28.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/28