Katipunan
English Title
If Every Calling is a Crossing
Abstract
Tatlong araw nang binabagtas ni Ruel ang kabundukan sa ilalim ng malakas na ulan. Tumatakas siya mula sa militar, kasama ng iba pang gerilya. Dala ng pagod at gutom, hiniling ni Ruel na bumalik sa mga mundong binisita noon—mga mundong labas sa sarili niyang mundo, kasama ang dating karelasyon na si Ino. Sa pagkalunod sa alaala ay hindi niya namalayan ang nakausling ugat sa dinaraanan at napatid, lumubog ang mukha sa putik. Sa gitna ng bagyo ay babalikan niya ang unang beses na hinatak siya ni Ino mula sa bundok tungo sa isang hotel. Ipinaliwanag sa kaniya ng karelasyon na sa tuwing gusto niyang umalis ay bumubulong lang si Ruel sa hangin. Nakikita ni Ino ang tawag bilang lubid sa hangin, at hihilahin ito ni Ino, palapit sa kaniya. Ngunit gaya ng pagtalon-talon ni Ruel sa mga lugar na iyon ay tatalon-talon din ang ulirat ni Ruel sa alaala ng mga mundo at sa kasalukuyang kalagayan. Haharapin ni Ruel ang napipintong paglapit ng mga kaaway habang hinahawi ang sariling daan sa mga lubid na humihila sa kaniya patungo sa ibang mundo, sa ibang posibilidad na hindi naririto, at ang kalauna’y pagtuklas ng sariling lubid na siya mismo ang magpapasyang hihila.
English Abstract
For three days now, Ruel, with his comrades, has been crossing the forest under heavy rain to escape the military. Exhausted and hungry, he longs to return to the worlds he once visited—worlds beyond his own, with his former lover Ino. Lost in memories, he doesn’t notice the protruding root along the path and stumbles, his face sinking into the mud. He recalls the first time Ino pulled him from the mountain into a hotel. His lover explained that whenever he wanted to leave, Ruel need only whisper to the wind. Ino will see the call as a red string, call back, and pull it, drawing Ruel closer. As Ruel leaps from those places, so does his consciousness—from fragment to fragment, memories of the worlds and the forest. Ruel faces the enemies. He scrambles for ropes that pull him towards other worlds, towards other possibilities. He discovers a new rope, which he decides to pull
Recommended Citation
Paradeza, Alec Joshua
(2023)
"Kung sa Bawat Pagtawag ay Pagtawid sa Gubat,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
2, Article 19.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/19