Katipunan
Abstract
Ang sining bilang produkto ng kasanayan ay itinuturing din na bahagi ng usapin ng paggawa. Kaugnay nito, ang Overseas Filipino Workers (OFW) bilang bahagi ng lakas-paggawa sa kontemporanyo ay nagsisilbi ring paksa sa mga likhang-sining at praktikang pansining sa kasalukuyan, pati na sa mga pananaliksik o personal na sanaysay kung saan mahalagang salik ang pandarayuhan. Sa pag-aaral na ito nilalayong suriin ang sining biswal bilang materyal sa malikhaing pagpapahayag ng damdamin at bilang mahalagang bahagi sa representasyon at materyalisasyon ng karanasang migrante. Sa pagtingin na ito, ang mga likhang-sining at kani-kaniyang praktikang pansining nina Pacita Abad sa serye ng mga likha sa Immigrant Experience, Nathalie Dagmang sa kaniyang mga likhang kabilang sa mga eksibisyong Beyond Myself at Pag-aalay, at sa mga likhang bahagi ng proyektong Project Another Country ng magasawang Alfredo at Isabel Aquilizan, ang mga pagtutuonan ng pansin. Ang mga gawi at likha nina Abad, Dagmang, at ng mag-asawang Aquilizan, ay itinuturing na manipestasyon ng iba’t ibang karanasang panlipunan sa pandarayuhan ng mga Pilipino. Art as a product of skill is also seen as a part of the discussion on labor. In this regard, the Overseas Filipino Workers (OFW) as part of the present workforce also serve as subjects in contemporary art works and art practices, as well as in research interests or personal essays where migration is considered an important aspect. This study is intended to examine visual art as a material for creative expression and as an important factor in the representation and materialization of the migrant experience. In this view, the art works and artistic practices of Pacita Abad in her series of creations belonging to Immigrant Experience, Nathalie Dagmang’s works belonging to exhibitions Beyond Myself and Pag-aalay, and creations which are part of Project Another Country by Alfredo and Isabel Aquilizan, are materials herein given attention to. The works and practices of Abad, Dagmang, and the Aquilizans, are regarded as manifestations of the various social experiences relating to Filipino migration.
Recommended Citation
Delgado, Gian Carlo
(2023)
"Imaheng Transnasyonal: Mga Paglalarawan ng Kalagayang Panlipunan ng mga Migranteng Pilipino sa mga Likha at Praktikang Pansining nina Pacita Abad, Nathalie Dagmang, at Alfredo at Isabel Aquilizan
Transnational Image: Descriptions of Social Conditions of Filipino Migrants in the Works and Artistic Practices of Pacita Abad, Nathalie Dagmang, and Alfredo and Isabel Aquilizan
Ateneo Art Awards 2022: Gawad Purita Kalaw Ledesma sa Suring-sining, Nanalong Lahok sa Filipino
,"
Katipunan: Vol. 11:
Iss.
1, Article 11.
Available at:
https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss1/11