•  
  •  
 
Katipunan

Katipunan

Abstract

Binabalikan ng kasalukuyang artikulo ang gawa ng mga iskolar na nag-aaral tungkol sa Pilipinas at diasporang Pilipino. Nililinaw ang dalawang lapit sa pag-aaral sa imperyo ng Estados Unidos o sa marahas na kolonyalismo ng mga Americano sa Pilipinas matapos ang Digmaang Pilipino-Americano (1899-1902). Una, nariyan ang nosyon ng imperyo bilang politikal na idea. Pangalawa, nariyan ang nosyon ng imperyo bilang kultura o mga kabilang buhay ng imperyo na mababakas sa mga kultural na anyo na inakda o nilikha ng mga “suheto ng imperyal na pananakop.” Higit na binibigyang-tuon ng artikulo ang kaso ng araling Filipinx, kung saan tinutukoy ng imperyo ang kasaysayan ng Pilipinas bilang kolonya ng America (o “imperyal na pananakop”) at ang mga kultura ng diasporang Filipinx (o ang mga ekspresibong anyo at kultural na gawain ng mga suheto ng “imperyal na pananakop”). Magkaiba ngunit magkasalikop ang dalawang lapit—bilang idea/kasaysayan at bilang kultura—dahil interdisiplinaryong larang ang araling Filipinx. Ginagamit sa huling bahagi ng artikulo ang nobelang Insurrecto ng Pilipino Americanong nobelista na si Gina Apostol bilang isang tekstong pampanitikan na tumutuklas sa lahat ng kahulugan ng imperyo sa simula ng ikadalawampu’t isang siglo—mula trawma ng militar na okupasyon hanggang sa paghahari ng pandaigdigang digma at pasismo. This article reviews the work of scholars who study the Philippines and the Filipino diaspora. It mentions two approaches to the study of the US empire or the violent American colonization of the Philippines after the PhilippineAmerican War (1899–1902). First, there is the notion of empire as a political idea. Second, there is the notion of empire as culture or the afterlives of empire that we trace in the cultural forms authored by or created by the “subjects of imperial rule.” This article focuses on the case of Filipinx studies, where empire refers to the history of the Philippines as an American colony (or “imperial rule”) and the cultures of the Filipinx diaspora (or the expressive forms and cultural practices of the “subjects of imperial rule”). Both approaches to the study of empire—as idea/ history and as culture—are different but interconnected since Filipinx studies is an interdisciplinary field. The article ends by using the novel Insurrecto, by Filipina American novelist Gina Apostol, as a literary text that explores all the early twentyfirstcentury meanings of empire—from the trauma of military occupation to the rule of global war and fascism.

Share

COinS