Ekonomiya ng mga Bulaklak: Ang Paghanga sa Bituing Walang Ningning
Document Type
Article
Publication Date
2020
Abstract
Sa pagbaling sa flora bilang isang epistema; ang nakikita sa pelikulang Bituing Walang Ningning" ay hindi pawang tunggalian ng dalawang babae na pinasinayaan ng isang lugmok na mangingibig; subalit isang walang humpay na palitan sa isang ekonomiya ng paghanga; na may bulaklak bilang kurensiya nito: ito ay nasa kuwintas na sampagita na magiit na ipinagkakaloob ni Dorina sa kanyang hinahangaan; sa pumpon ng mga bulaklak na inaabot ni Nico sa kanyang mga minamahal; at sa mabubulaklak na salita ni Lavina para mahimok ang mga tao sa kanyang kapritsuhan. Sa ganitong paraan ng pagtingin; samakatwid; maaaring maisulat muli ng isa ang puso ng pelikula: ang pag-angat ni Dorina sa kasikatanay hindi gaanong bunga ng tangka ng isang tinalikurang lalaki sa paghihiganti; kaysa isa muling pagkakataon nitong mangingibig na abutan ang iniibig ng isa pang bulaklak."
Recommended Citation
Benitez, C. (2020). Ekonomiya ng mga bulaklak: Ang paghanga sa bituing walang ningning. Pelikula Journal, 4, 37-40.