Document Type
Book Chapter
Publication Date
2023
Abstract
Marami nang naisulat na talambuhay kaugnay ng Himagsikang Filipino. Malinaw sa nakararami dito ang mga pagtatangkang pahalagahan ang papel na ginampanan ng mga indibidwal sa kasaysayan, at ihayag ang mga kolektibong karanasan kaugnay ng kilusan. Sa maraming pagkakataon, sinasalamin ng mga pagtatala ng mga personal na gunita ang perspektiba, pananaw, tindig, at tahakin ng indibidwal na kasangkot sa himagsikan sa kanyang pagtatalambuhay ng mga gunita. Dahil personal na tala ito ng mga indibidwal na gunita, may mga pagkakataong ang talambuhay ang naglalahad hindi lamang ng mga pangyayari, kundi ng pagtatanggol o panlilibak sa papel na ginampanan ng ibang mga indibidwal sa pagdaloy ng mga pangyayari.
Recommended Citation
Gealogo, Francis A. "Gregoria de Jesus at ang Talambuhay ng Babae sa Himagsikan." Tinipong Tinig ng Kababaihan (Anthology of Women's Voices): Priestesses to Presidents, edited by Nenita Pambid Domingo and Brandon J. Macapagal Reilly, The University of the Philippines Press, 2023, pp. 207–237.
Included in
Asian History Commons, Cultural History Commons, History of Gender Commons, Political History Commons, Race, Ethnicity and Post-Colonial Studies Commons, Women's History Commons
